Ano ba ang Pamilya?

Ano ba ang pamilya para sa inyo? Kasi para sakin ang hirap ipaliwanag kasi ang gulo ng buhay ko.

Sumulat ako para malaman niyo lahat ang mga pinagdaraanan ko, ang buhay na meron ako, ang magulo kong buhay na puno ng pasakit😭. Ngayon hirap akong ipagpatuloy ang buhay ko dahil ramdam ko ang sakit, hapdi, at pagod. Mahal ko ang pamilya ko ngunit iwan ko kung alam ba nila yun, kasi ngayon watak na watak na kami. Nasa malayo ang tatay ko dahil sa kasalanang di nya kayang pagbayaran, kaya nagtago nalamang siya😭. Kuya ko nasa malayo din may kasalanan din at hinahanap ng pulisya. Ang hirap lang isipin na hindi ganitong pamilya ang pinangarap ko, hindi ganitong pamilya ang ipinagdarasal ko ngunit ito ang natanggap ko. Sabi nila pamilya mo ang inspirasyon at ang napakalaking biyaya na matatanggap mo sa boung mundo, ngunit bakit sakin hindi kung di nagsilbi pang malaking problema sa buhay ko.

Masaya ba talaga ako? Kasi diko alam kung sino ako, ano ako, at ano ang pamilya ko. Kung alam nyo lang ang hirap na ng buhay ko at ang sarap ng sumuko, sarap ng mamatay. Pagod na kasi ako at napag isip isip ko ano pabang halaga ng buhay ko sa daigdig kung ulti mo pamilya ko diko magawan ng paraan para maging maayos at mairesolba. Gusto ko sanang maging matapang pero pano kung dumating ang araw, hantungan na kung saan akoy nahihirapan at pagod na pagod na. Diko rin masisisi ang pamilya ko, dahil sabi nga nila walang perpektong pamilya. Bago mo maranasan ang kasiyahan kailangan mo munang pagdaanan at harapin bawat hamon sa buhay.

Dipa ba sapat ang bawat araw na puro nalang sakit ang naranasan ko. Puro panghuhusga nalang kasi ang naririnig ko tungkol sa buhay ko, kasi wala raw akong tatay, malayo raw nanay ko, pano daw kami nakapag aral sa araw-araw kung wala ang mama at papa namin. Pano rawnamin naipagpapatuloy kung anong meron kami na wala ang mama at papa namin. Sana nga mabuo na kami kasi ipit na ipit na kami sa mga ibinabato saming mga salita na masasakit at tagos puso. Sa buhay kong to kailangan hindi ako sumuko, kailangan kong lumaban at ipakita sa kanila na kaya naming bumangon sa sarili naming mga paa.